Sariling Multo (Sa Panaginip) IV of Spades lyrics

Sariling Multo (Sa Panaginip)

Sa panaginip ko, ikaw ang nakakasama
Sa bawat agos ng salita
Dala ang damdamin kong sawa
Pikit-matang titingin sa patay na bituin
Sana pigilan sandali ang sandali
Upang takasan lahat ng takot ko
Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakausap
Ang luha kong nag-aabang
Laman ang tinagong kalungkutan
Pikit-matang dadal'hin, kapayapaan hihingin
Paano ba pigilan ang ikot ng mundo?
Sa awiting 'to, may magtataka
Kung magbago man ako, huwag sanang umalis
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
(Sa sariling multo)
Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakalaban
Ano man dakong puntahan
Sabay tayong mahihirapan
Huwag ka sanang bumitaw
Bantayan bawat galaw
Nang hindi magtampisaw sa lungkot at luha ng ulan
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Tama bang itago 'to?
Sana magising na 'ko
Tama bang itago 'to?
Sana magising na 'ko
Tama bang itago 'to?
Sana magising kayo
Tama bang itago 'to?
Sana mapansin niyo ako
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Source: Musixmatch
Songwriters: Daniel Zildjian Benitez

Comments

Popular posts from this blog

Chinita Raf Davis lyrics

KLWKN Music Hero lyrics